Multi-champ player Joe Devance nagretiro na sa PBA

Nagretiro na sa Philippine Basketball Association (PBA) ang multi-champion player na si Joe Devance. Ginawa ni Devance ang anunsiyo ilang araw bago ang pagbubukas ng bagong season ng PBA.

Ang 40-anyos na si Devance ang top overall pick ng Welcoat Dragons, na kilala ngayon bilang Rain or Shine Elasto Painters, noong 2007 PBA Draft.

Pagkatapos ng isang season, nai-trade siya sa Alaska Aces kung saan napanalunan niya ang kanyang unang kampeonato noong 2010.

Mula Alaska sumunod itong naglaro sa Purefoods sa loob ng limang season at nakakuha ng lima pang titulo kabilang ang isang Grand Slam noong 2014.

Ginugol niya ang huling anim na season ng kanyang sa Barangay Ginebra, kung saan nakuha niya sa naturang prangkisa ang anim pang titulo.

Kasabay ng kanyang pagreretiro, nagpasalamat naman ito sa mga teams sa PBA na nagtiwala sa kanyang kakayahan.