Naniniwala si National Task Force against COVID-19 spokesperson Restituto Padilla sa masyado pang maaga para itigil ang mandatory na pagsusuot ng face shield.
Ayon kay Padilla, kung aalisin ang face shield policy, ay masasayang ang efforts ng bansa na pigilan ang paglaganap ng COVID-19 sa panahon ngayon.
Iginiit rin ni Padilla na hindi pa naabot ng bansa ang target nito para sa population protection.

Una nang sinabi ni vaccine czar Secretary Carlito Galvez na nasa mahigit 5.9-million na ang naturukan ng first dose ng COVID-19 vaccine, habang nasa mahigit 2-million na ang nakatanggap ng second dose.
Noong nakaraang linggo ay inanunsyo ni Presidential Spokesperson Harry Roque na ang pagsusuot ng face shields bilang requirement sa mga ospital ang kinokonsidera bilang polisiya.
Pero inirekomenda ng Inter-Agency Task Force sa Pangulo na ipagpatuloy ang pagsusuot ng face shields sa mga enclosed spaces.
Kung maalala ay kinwestyon ni Manila Mayor Isko Moreno ang sayantipiko na basehan ng pagre-require ng face shields habang nilalabanan ng bansa ang pandemya.