NTF, nag-implementa ng vaccine information drive sa BARMM

Inihayag ni National Task Force (NTF) Against COVID-19 medical adviser Dr. Ted Herbosa na nag-implementa ang gobyerno ng vaccine information drive sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.

Ipinaliwanag ni Herbosa na very special area ang BARMM, dahil halo-halo ang access problems sa bakuna sa rehiyon.

Read More:  Abalos backs DFA’s condemnation of China’s ‘monkey’ video

Ayon sa kaniya, malayo at mahal ang pamasahe papunta sa mga lokalidad at meron rin paniniwala ang mga residente na hindi Halal ang bakuna kontra COVID-19.

Una nang sinabi ni NTF chief implementer Carlito Galvez Jr. na nagtungo siya sa Sumisip, Basilan para himukin ang Muslim communities na sumailalim sa inokulasyon kontra COVID-19.

Read More:  DepEd probes classroom assault involving Bacolod students

Matatandaan na inanunsyo ng Food and Drug Administration noong January, 2021 na sinisikap na nito na maka-secure ng Halal certification para sa mga vaccine products.