NTF-ELCAC, nangakong bubuwagin ang NPA sa sa termino ni PBBM

Nangako si National Security Adviser Secretary Eduardo Año na sa tulong ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict, ay tuluyang bubuwagin ng pamahalaan ang NPA sa termino ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Iniulat ni Año na siya rin kasalukuyang co-vice chair ng NTF-ELCAC na hanggang sa ikalawang quarter ng taon, 4 na communist terrorist group na ang na-dismatled ng gobyerno.

Read More:  DOH closely monitoring Ebola virus situation

Malapit na rin aniyang mabuwag ang natitirang 7 mahihina ng guerilla fronts.

Read More:  House prosecution panel names official spokespersons for Duterte impeachment

Bumaba na rin ang bilang ng pwersa nito sa 1, 251 sa buong bansa.

Binanggit din niya ang pagsuko ng 44,528 CTG personalities mula sa kanilang “whole-of-government” approach sa tulong ng iba’t-ibang ahensiya ng pamahalan, LGUs at security sector.