Naga at Camarines Sur , niyanig ng 3.4 magnitude na lindol

CAMARINES SUR- “Makusog ito ah” ito ang namutawi sa mga labi ng mga nakaramdam ng 3.4 magnitude na lindol sa Naga at Camarines Sur bandang alas 12:38 ng tanghali nitong Biyernes Hulyo 12, 2024.

Nagsilabasan ang mga empleyado ng Naga City Hall na nakaramdam ng pag-uga. Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay City Disaster Risk Reduction and Management Officer Erning Elcamil , sinabi na-apply ng mga empleyado ang mga natutuhan sa Earthquake drill. Wala namang naitalang pinsala pero ina-aassess ng CDRRM ang iba pang mga gusali at establishments sa lungsod pati mga paaralan.

Read More:  Viral Bulacan cop removed after brutal assault on wife
Read More:  Massive Davao City fire leaves 200 families homeless

Sa tala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), ang sentro ng lindol ay 13.58°N, 123.09°E – 002 km S 31° E ng  Pamplona. Kaya ramdam ang Intensity II sa Naga , Tinambac at Pasacao. Habang Intensity I naman sa  City of Iriga.