Bicol Region, muling nadagdagan ng gintong medalya sa Palarong Pambansa 2024 sa Cebu City

LEGAZPI CITY – Nananatiling nasa ikaanim na puwesto ang Bicol Region sa nagpapatuloy na Palarong Pambansa 2024 sa Cebu City.

Ayon sa Correspont Information Officer ng DepEd Region V Atty Salvador Pelingon, muling nadagdagan pa ng gintong medalya ang Team Bicol Vulcans kung saan mayroon na itong 9 Gold, 8 Silver at 4 bronze sa nasabing Palaro.

Read More:  Army’s newest Lieutenants include seven from Negros’ CHICKS Area

Sa tala ng tanggapan na partial and unofficial result ng Palarong Pambansa 2024, nangunguna pa rin sa ranking ang Region 4A o Calabarzon na may 29 Golds, 13 silver, 17 bronze, pumapangalawa ang National Capital Region na may 26, 14 silver, 24 bronze, sumunod naman ang Region 6 o Western Visayas na pararehong may 16 Gold, silver at bronze, Region 7 o Central Visayas hometown ng Palaro 15 golds, 23 silver, 7 bronze, habang ang Bicol ay nasa ikaanim na pwesto sa Palaro.

Read More:  Two Davao robbery suspects arrested at Iligan checkpoint

Sinabi pa ng opisyal, natutuwa umano ito sa kinalalabasan ng resulta, dahil sa ipinapakitang husay at galing sa pakikipaglaban sa nasabing palaro.