DOTr, dumepenasa matapos ilarawan ang NAIA bilang ‘worst business class airport’

Umalma ang Department of Transportation sa resulta ng bagong pag-aaral na nagsasabing ang Ninoy Aquino International Airport ay ang worst business class airport sa buong mundo, at sinabing ang naturang claims ay “unsubstantiated.”

Ayon kasi sa luggage storage app Bounce’s Business Class Index, ang NAIA ay nagtala ng 0.88/10 at nakakuha ng “worst scoring” para sa tatlong kategorya, na kinabibilangan ng kanilang bilang ng destinasyon, on-time performance, at rating mula sa Skytrax.

Read More:  Zubiri apologizes to Bukidnon for joining minority bloc

Pero ayon sa DOTr, may improvements na ang NAIA sa ilalim ng buong administrasyon ni outgoing President Rodrigo Duterte.

Binigyang diin rin nito na ang extortion schemes gaya ng “laglag-bala” at baggage pilferage reports ay naresolba na sa loob ng mahabang panahon.

Read More:  Palace withholds judgment on VP Sara impeachment trial

Sa gitna nito, iginiit ng ahensya na ang Bounce ay isang luggage storage business na nag-ooperate lang sa United States at Asia, pero walang operasyon sa Pilipinas.

Dagdag pa ng DOTr, na ang NAIA ay destination airport at hindi hub airport, kaya walang gaanung business class lounges at onward destinations.