NTC inatasan ang mga public telecos na tiyakin ang kahandaan sa pagtama ng Super Typhoon Betty

Inatasan ng National Telecommunications Communication (NTC) ang mga telecommunications company na tiyakin ang kahandaan sa pananalasa ng Super Typhoon Betty.

Sa inilabas na memorandum ni NTC Commissioner Ella Blanca Lopez, inatasan ang mga telco na tiyaking may sapat na bilang ng technical o support personnel, standby generators na may extra fuel at spare equipment sa mga lugar na tatamaan ng bagyo.

Read More:  Mariel Padilla hits back at critics over resurfaced 2022 remarks on law linked to Sen. Robin

Iniutos din ng NTC ang mabilis na pagsasagawa ng repair at restoration ng telecommunication services sa mga lugar na maaapektuhan ng bagyo.

Pinagtatalaga din ng Libreng Tawag at Libreng Charging Stations ang mga telco sakaling may mga lugar na mawalan ng serbisyo ng network at mawalan ng suplay ng kuryente.

Read More:  Trump sued by US rights groups over ICC sanctions

Kaugnay nito, kinakailangang magsumite na ang mga telecommunications company ng status updates sa NTC kada-anim na oras ng kanilang restoration activities at timeline ng full restoration.

#