NSC: Pilipinas may karapatan daw na alisin ang floating barrier na inilagay ng China sa Bajo de Masinloc

Nanindigan ang National Security Council o NSC na may karapatan ang Pilipinas na alisin ang mga floating barrier na nilagay ng Chinese Coast guard sa karagatang sakop ng Bajo de Masinloc sa Zambales.

Ayon kay NSC Asst. Director General Jonathan Malaya, pasok ang Bajo de Masinloc sa 200 nautical miles exclusive economic zone ng Pilipinas.

Dahil pasok ito sa EEZ, merong maritime entitlement dito ang Pilipinas.

Samantala, inihahanda na rin ng NSC ang kanilang report na ipapadala kay Pangulong Bongbong Marcos, hinggil sa naturang isyu.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *