Confi funds ng OVP, nasimot sa 11 araw

Ibinunyag ni House Appropriations Committee Senior Vice Chairperson at Marikina City Second District Representative Stella Quimbo na mas mabilis na nagastos ng Office of the Vice President ang 125 million pesos na confidential funds nito noong nakaraang taon.

Sa plenary debates ng Kamara para sa 2024 proposed budget ng Commission on Audit, sinabi ni Quimbo na umabot lang ng labing-isang araw ang utilization ng OVP sa confidential funds taliwas sa naunang ulat na labingsiyam na araw.

Katumbas umano ito ng average na labing-isang milyong piso kada araw.

Naungkat ang isyu nang usisain ng Makabayan Bloc ang COA sa pamamagitan ng sponsor na si Quimbo ukol sa paggamit ng confidential funds ng OVP.

Iginiit ni Quimbo na naisumite ng tanggapan ni Vice President Sara Duterte ang liquidation report noong Enero at naglabas ng audit observation memorandum ang COA ngayong buwan para magpaliwanag at magsumite ng mga dokumento.

Dagdag pa ng kongresista, target ng COA na tapusin ang confidential fund audit sa OVP sa Nobyembre dahil may labinlimang araw ang mga ahensya para tumugon sa observation memorandum.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *