NSC, naninidigang dapat nang magkaroon ng ‘critical dialogue’ sa pagitan ng China at Pilipinas

Nanindigan si National Security Adviser Clarita Carlos na dapat ay sumunod ang China sa Declaration of Conduct (DOC) sa West Philippine Sea.

Ito nga ay makaraang i-ulat ng Bloomberg ang ‘di umano’y mga bagong reclamation at construction activities sa Iroquois Reef and Sabina Shoal sa Spratly Islands.

Read More:  Comelec issues subpoena to contributor in Escudero’s election campaign

Sa panayam, sinabi ni Carlos na nararapat lamang na sumunod ang China sa mga una nang napagkasunduan kasama ang iba pang ASEAN nations.

Sa ngayon, isa umano sa mga options ng Gobyerno ng Pilipinas ay ang pagkakaroon ng pagpapatuloy ng ‘critical dialogue’ hinggil sa isyu.

Read More:  PNP to deploy more personnel around Senate amid political tensions

Bago ito, una nang inatasan ng Department of National Defense (DND) ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na palakasin pa ang puwersya sa mag teritoryo kung saan na-monitor ang mga alleged reclamation.

Una na ring pinabulaan ng Chinese Foreign Ministry ang ulat at nanindigang sumusunod sila sa DOC.
#