NPC magsasagawa ng independent investigation Re: Comelec data breach

Magsasagawa ng independent investigation ang National Privacy Commission (NPC) kaugnay sa napaulat na data hacking incident sa mga files ng Commision on Election (COMELEC).

Sa inilabas na statement ng NPC, sinabi nitong maliban sa ikakasang imbestigasyon pinadalhan na rin nila ang COMELEC ng notice para magpaliwanag sa alegasyon ng hacking at data breach.

Read More:  DSWD assures readiness during Habagat season

Iginiit ng ahensiya na seryosong usapin ang naiulat ng pahayagang Manila Bulletin at kailangan masagot ng COMELEC kung totoong mayroong nakompromisong mga datus mula sa kanilang server.

Ipinag-utos din ng NPC sa Comelec na magsagawa ng komprehensibong imbestigasyon at isumite sa kanila ang resulta ng pagsisiyasat ng hindi lalampas ng January 21, 2022.

Read More:  OCTA Survey: Majority of Filipinos Support Impeachment Trial of VP Sara Duterte

Ipinatawag naman ng NPC ang COMELEC at ang Manila Bulletin para sa isang clarificatory hearing sa darating na Enero 25.