Sinimulan na ng National Privacy Commission (NPC) ang imbestigasyon kaugnay sa pagdami ng mga text scams na naglalaman ng pangalan ng mga subscribers.
Ayon kay NPC Commissioner John Henry Naga, minomonitor ng ahensya ang talamak ng unsolicited text messages, kasabay ng pagtitiyak s apubliko na nakikipag-ugnayan ang NPC sa mga key stakeholders, para pigilan ang fraudulent activity.
Sinabi ng privacy chief, na nakipagpulong na sila sa mga telco players, kung saan nangako umano ang mga ito na paiigtingin ang kanilang efforts, kabilang na ang technological at security safeguards, laban sa mga scammers.
Maliban dito, nakikipag-ugnayan narin sila sa National Telecommunications Commission (NTC) para maibahagi ang impormasyon at makapagsagawa ng concerted actions.
