NPA nagtago ng 20 taon, nainguso ng civilian asset

SORSOGON CITY – Arestado ang isang miyembro ng New People’s Army makaraang ituro ng isang civilian asset ang eksaktong kinaroroonan nito sa Alabang, Muntinlupa City.

Kinilala ang akusado na si Nilo Encinares Enconado, 48-anyos, may asawa, laborer, residente ng Brgy Sangat, Gubat, Sorsogon.

Batay sa ulat, si Enconado umano ay miyembro ng Larangan 1, Komiteng Seksyun sa Platun (KSPN) 3 at itinuturing din na Rank No. 1 most wanted person ng Gubat Police.

Read More:  Missing 19-year-old woman found dead in Cebu

Sa pahayag sa Brigada News FM-Sorsogon ng hepe ng Gubat Police na si PMaj Jose Arnel Geronga, nagtago umano si Enconado matapos ang krimeng nagawa noong 2001, simula noon ay pinaghahanap na ito ng mga awtoridad hanggang sa matiyempuhan ito ng isang civilian asset na tubong Gubat, Sorsogon at naituro ang pinagtataguan nito sa Esporlas Cpd, Brgy Putatan Alabang, Muntinlupa City at sa halos dalawang dekada na pagtatago nito sa batas ay nakapagtrabaho ito bilang isang laborer sa nasabing lugar.

Read More:  Kabankalan MSMEs prove their mettle at Negros Trade showcase

Si Enconado ay nahaharap sa kasong murder at 3 counts ng frustrated murder.

Ang pag-aresto ay sa pamamagitan ng bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ng RTC Br 52 at Br 54 na walang itinakdang piyansa.