Wala pang balak na magretiro sa paglalaro ang Tennis susperstar na si Novak Djokovic.
Ayon kay Djokovic hindi pa niya nararamdaman na matanda na siya para talikuran ang kanyang career sa Tennis.
Ginawa ni Djokovic ang pahayag matapos ang magkasunod na pagreretiro ng dalawa sa kanyang mahigpit na karibal na sina Roger Federer at Rafael Nadal.
Dagdag pa nito na sangayon sumusunod pa naman ang kanyang katawan sa gusto niya.
Nabatid na ang tatlong tennis legend ay tinaguriang the ‘Big Three’ ay nagrevolutionized sa sport sa kani-kanilang mga achievements kung saan aabot sa combined 63 Grand Slam singles titles ang nakuha ng mga ito.
