Makakakuha umano ng visa si dating world number one Novak Djokovic para makapaglaro sa 2023 Australian Open tennis Grand Slam tournament, sa kabila ng pagkakadeport sa kanya sa naturang bansa noong Enero.
Batay sa ulat, napagdesisyunan umano ng Australian government na bigyan ang unvaccinated Serb ng visa, kung saan binabawi ang three-year ban matapos ang kanyang ejection mula sa Australia.
Sa ngayon kasi, binawi na ng Australia ang kanilang mga requirement para sa mga bisita na magpakita ng proof of vaccination laban sa Covid.

Ang three-year ban ni Djokovic ay maaring ma-overturn sa pamamagitan ng desisyon ng center-left government ni Prime Minister Anthony Albanese, na magkaiba sa conservative coalition na nasa kapangyarihan noong nakick out si Djokovic. //MHEL PACIA