North Korea, naglunsad ng unang spy satellite sa orbit

Ipinagmalaki ng North Korea na inilunsad na nito ang unang spy satellite sa orbit – isang pakurbang daan sa outer space na ginagalawan ng mga planeta.

Taliwas ito sa sinasabi ng opisyal ng Japan at South Korea dahil hindi pa nito makumpirma kung nasa orbit talaga ang nasabing satellite.

Dahil dito, sinuspinde ng South Korea ang 2018 military agreement na idinesenyo upang mapababa ang tensyon ng militar sa pagitan ng dalawang bansa.

Samantala, sinabi ni U.S. National Security Council spokesperson Adrienne Watson na isang paglabag ang ginawa ng North Korea sa UN Security Council resolutions dahil sanhi ito ng tensyon, at panganib sa seguridad ng rehiyon.