Ligtas nang nakababa ang lalaking umakyat sa poste ng Marikina City matapos ang higit na isang araw o 30 oras.

Ayon kay Bureau of Fire Protection (BFP) Marikina Fire Chief Inspector Allan Floresca, nahirapan ang mga rescuer dahil umiiwas ito habang sinusubukang lapitan.
Dagdag pa ni Floresca, naging hadlang din sa kanila ang taas ng poste na may tansiyang limang palapag kung ikukumpara sa gusali.
Tanging gasgas sa kaliwang tuhod ang tinamo nito at dinala sa Mandaluyong Mental Hospital para sa kanyang mental assessment.
Una nang umakyat sa puno ng mangga ang lalaki at nang sitahin ito ng mga residente ay doon na siya lumipat sa poste.