Binigyang diin ng North Korea na walang basehan ang claims ng United States na nagsusuplay umano ang Pyongyang ng artillery ammunition sa Moscow para sa kanilang giyera sa Ukraine.
Ang pahayag ay sa gitna ng tumataas na tensyon sa Korean peninsula, matapos ang sunod-sunod na weapon tests ng North Korea noong nakaraang linggo, kabilang na ang intercontinental ballistic missile, matapos na magsagawa naman ang United States at South Korea ng kanilang biggest-ever air force exercise.
Una nang nagbabala ang US at South Korea na ang paulit-ulit na missile launches ng North ay maaring magsimula sa isang nuclear test.

Kaugnay nito, nakikita ng North Korea ang naturang “rumor” bilang bahagi umano ng hostile attempt ng US na bahiran ang imahe ng DPRK sa international arena, gamit ang acronym para sa official name ng North Korea.
Una nang sinabi ni White House national security spokesman John Kirby, na hindi alam ng mga US officials kung talaga bang tumanggap ang Russia ng ammunition, pero sinusubukan umano nilang i-monitor ang shipments. //MHEL PACIA