BOC: P3B halaga ng mga ilegal na droga nakumpiska sa unang 100 araw ng admin

Inihayag ng Bureau of Customs (BOC) na mahigit tatlong bilyong pisong halaga ng ilegal na droga ang kanilang nakumpiska sa unang 100 araw ng Marcos administration.

Ayon kay BucCor spokesperson Arnaldo De La Torre Jr., nagsagawa ang kanilang ahensya ng 20 operasyon laban sa ilegal na droga.

Read More:  President may appoint senator or lawmaker as replacement if VP Sara is impeached

Matatandaan na noong Hulyo, sinabi ni Interior Secretary Benhur Abalos na ang drug war sa ilalim ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ay magiging intensive tulad ng ginawa ng nakaraang administrasyon.

Samantala, sinabi naman ni De La Torre na nagsagawa rin ang BOC ng 23 operasyon laban sa smuggling ng agricultural products gaya ng sibuyas at mga gulat, na nagresulta sa pagkakakumpiska sa P346 million halaga ng naturang mga produkto.

Read More:  DOH reports no Ebola cases in the Philippines

Karamihan umano sa mga smuggled agricultural products ay mula sa China.

Maliban dito, nakumpiska din ng ahensya ang P289 million na halaga ng smuggled sugar, matapos ang apat na mga operasyon.