Boxing: Ancajas excited nang muling lumaban sa PH

Looking forward na ang dating junior bantamweight champion na si Jerwin Ancajas para muling lumaban sa Pilipinas, sa oras na magbalik ito sa Pebrero sa susunod na taon.

Si Ancajas, na natalo sa kanyang tangkang muling makuha ang IBF junior bantam strap mula kay Fernando Martinez, ay nakatakdang lumaban bilang full bantamweight, kontra sa hindi pa pinapangalanang opponent.

Read More:  Gilas Pilipinas gears up for crucial FIBA World Cup Qualifiers

Matatandaan na huling nagkaroon ng laban sa bansa si Ancajas noong 2016, nang makuha nito ang IBF 115-pound title mula kay McJoe Arroyo ng Puerto Rico sa Taguig City.

Read More:  June Mar Fajardo eyes Gilas Farewell, makes way for next generation

Ayon naman sa coach-manager nitong si Joven Jimenez, na umaasa silang muli itong mangyayari laban sa pinakamagaling sa bantamweight class, kung saan marami umano ang pagpipilian. //MHEL PACIA