HPG nag- ikot sa mga terminal noong weekend, ligtas na biyahe ipinaalala sa mga driver at pasahero

CAMARINES NORTE- Nag ikot ang mga tauhan ng PNP Highway Patrol Group sa mga pangunahing terminal sa bayan ng Daet noong weekend.

Kasabay nang ginawang inspeksyon sa mga bus at iba pang pampublikong sasakyan ay ipinaalala ng HPG ang patuloy na pagsunod sa Health and Safety Protocol kahit ngayong niluwagan na ang COVID- 19 restrictions sa lalawigan.

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors

Ipinaalala sa mga driver at pasahero ang pagsusuot ng face mask at social distancing.

Namahagi rin ang HPG ng mga babasahin na naglalaman ng mga paalala sa New Normal para sa ligtas na paglalakbay.

Inaasahang sa mga susunod na araw ay marami ang bibiyahe papasok at palabas ng lalawigan lalo na sa Holy Week.

Read More:  Canlaon artisans adapt to calamities with limited materials, volcanic ash crafts

Ito kasi ang unang pagkakataon na mas magiging maluwag ang pagbiyahe pagkalipas ng dalawang taon dahil sa COVID- 19 pandemic.

Paalala sa mga driver ang dati nang kampanya ng mga kinauukulan na Blowbagets na ang ibig sabihin ay battery, lights, oil, water, brake, air, gas, engine, tire, and self para sa ligtas na biyahe.

Photos: PNP HPG