Ipinaliwanag ni Cabinet Secretary Karlo Alexie Nograles ang kahalagahan ng pagpapatupad ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa Metro Manila.
Ayon kay Nograles muling ipapatupad ang ECQ upang maagapan ang pagkalat ng delta variant.
Paliwanag ng Cabinet Secretary, kung hindi gagawa ng ganitong hakbang ang pamahalaan ay baka maitala ang 30, 000 cases ng COVID-19 kada araw.
Inihayag ni Nograles na batay sa projections na iprenisenta sa Inter-Agency Task Force (IATF) ang pinakamababang bilang ng infections kapag lumala ang sitwasyon ay 18,000 cases per day.
Ang ginawa umano ng pamahalaan ay upang i-delay ang delta variant na maging pre-dominant variant sa bansa habang patuloy na pinapa-igting ang vaccination drive lalo na sa mga senior citezens at sa mga taong may comorbidities.