No Vax/No Ride policy sa pampublikong transportasyon sa NCR ipinag-utos ng DOTr

Ipinag-utos ni Transportation Sec. Arthur Tugade ang No Vaccination/No Ride-No Entry Policy sa lahat ng pampublikong transportasyon sa buong National Capital Region.

Sa inilabas na Department Order ni Tugade, nakasaad dito na epektibo ang naturang kautusan hanga’t nasa Alert level 3 ang COVID-19 status ng rehiyon.

Read More:  Palace open to corruption probe with sufficient evidence

Inaatasan din ang mga ahensiya sa ilalim ng DOTr na tiyaking sumusunod sa naturang panutuntunan ang lahat ng mga operators ng mga pampublikong sasakyan.

Binangit sa department order na tanging mga fully vaccinated lang na mga indibidwal ang papapayagang sumakay sa mga PUVs.

Read More:  VP Sara defense awaits senate ruling on subpoena request

Dapat umanong magpresenta ang mga pasahero ng patunay na sila ay nakatanggap na nang dalawang doses ng bakuna katulad ng mga vaccination card at anumang IATF prescribed documents.