CAMARINES NORTE- Sinimulan na nitong miyerkules ang pangongolekta ng mga basura sa Brgy. Camambugan dito sa bayan ng Daet
Para sa mga residente ng Brgy. Camambugan ang pangongolekta ng mga basura ay gagawin tuwing araw ng Miyerkules kung saan nagtalaga ang Barangay ng pick-up station sa bawat purok na kanilang pagdadalhan ng Basura.
Apela ni Brgy Captain Irene Cambronero sa kanyang mga Kabarangay na ilabas lamang ang kanilang mga basura sa araw ng koleksyon mula alas- 7 hanggang alas 9 lamang ng umaga sa araw na itinakda

Pinaalala rin ni Kapitan Cambronero na hindi kokolektahin o hahakutin ng mga garbage collector ang mga basurang hindi naihiwalay sa nabubulok at di-nabubulok.
Ito ay bilang pagsunod sa implementasyon ng RA 9003 o Ecological Solid Waste Management Act sa wastong pangangasiwa ng basura.

