Batangas City -Nagpahayag ng pagkalungkot at pakikiramay ang mga lokal na opisyal ng Batangas sa biglaang pagpanaw ni dating Pangulong Benigno Aquino III ngayong araw.
Nagpahatid ng kani-kanilang mga pasasalamat, pamamaalam at pakikiramay ang mga alkalde ng ibat ibang bayan gaya nina Lipa City Mayor Eric Africa, Calaca Mayor Nas Ona, pamunuan ng Batangas City LGU, mga kongresista, board members, ang bayan ng San Juan sa Batangas at lalawigan ng Orriental Mindoro.
Sa bayan ng Calaca ay naka-half-mast na ang bandila ng Pilipinas na makikita sa harap ng gusali ng lokal na pamahalaan, nagpahayag na din ng kahilingan ang pamunuan nu Mayor Nas na mag-alay ng taimtim na panalangin para sa mga naulila ng dating Pangulo dahilan sa matinding kalungkutan sa panahong ito.
Maging ang bayan ng San Juan Batangas ay naka-half mast na din ang watawat ng Pilipinas bilang pakikiramay sa pamilya ng pumanaw na dating Pangulo ng bansa.
Nagpaabot na din ng pakikiramay ang karamihan sa mga Batanguenyo, pasasalamat sa mga nagawa ng yumaong Pangulo sa pamamagitan ng facebook posts ng mga ito.
Nagluluksan din ang Pamahalaang Panlalawigan ng Orriental Mindoro, nakikiramay din sa pamilya ni Pangulong Noynoy si Gov Bonz Dolor, ayon sa pahayag nito ay hindi matatawaran ang naging ambag ng dating Pangulo sa kagalingan panlipunan, kasalukuyan naka-half-mast din ang bandila ng Pilipinas sa harap ng gusali ng Capitolio ng Orriental Mindoro.