CAMARINES NORTE- Muling nakapagtala ng 30 panibagong kaso ng COVID-19 ang lalawigan ng Camarines norte sa ipinalabas ng Case bulletin report ng DOH Bicol kahapon
Ang mga bagong kaso ay nagmula sa mga bayan ng Daet na may 14 , may naitalang 9 sa bayan ng Vinzons, 3 ,mula sa bayan ng Labo at tigd- dalawang kaso ang bayan ng Jose Panganiban at Paracale.
Sumatutal, pumapalo na sa 811 ang kabuuang bilang ng sakit sa lalawigan, sa bilang na ito, umakyat na 309 ang aktibong kaso ng sakit habang walang nadagdag sa talaan ng nakarekober gayundin ang bilang ng pagkasawi kung kaya’t nanatili ito sa 470 at 32
Simula nitong June 21- hanggang kahapon ay nakapagtala ng 47 kaso ng COVID-19 mula sa 8 bayan ng Daet, Basud, Mercedes, San Vicente, Vinzons, Labo, Jose Panganiban at Paracale
Sa loob ng panahong nabanggit nangunguna pa rin ang bayan ng Daet sa may pinakamaraming naitatalang kaso na may 22 sa loob lamang ng tatlong araw
Sinundan naman ito ng bayan ng Vinzons na nakapagtala ng 9 at Basud na may 4 na kaso

