“No segregation, no collection policy” ipinatutupad ngayon sa bayan ng Virac, Catanduanes

BICOL—Kasalukuyang umiiral sa bayan ng Virac, Catanduanes ang “No Segregation, No Collection Policy” sa usapin ng pagtatapon ng mga basura mula sa mga residente.

Ito ay dahil hanggang sa ngayon ay nahihirapan pa rin ang lokal na pamahalaan na makahanap at makabili ng lote na pwedeng pagtayuan ng sanitary landfill.

Read More:  Volunteer teacher helps pupils cross swollen river after class in Negros

Ganunpaman, sakabila ng umiiral na polisiya ay hirap pa ring makasunod ang mga residente sa nasabing lugar kahit na nagpadala na ang LGU ng advisory letter sa bawat households ng 63 barangay ng Virac, kaugnay ng tamang pagtatapon at paghihiwa-hiwalay ng mga basura.

Patunay dito ang mga nakunang larawan ng lokal na pamahalaan kung saan sa mismong signage pa ng “No Segregation, No Collection Policy” sa isang barangay, itinipon ng mga residente ang halo-halong uri ng basura.

Read More:  Davao Oriental jail unrest leads to warden’s removal

Matatandaang una nang nakiusap ang lokal na pamahalaan ng  Virac na matamang sundin ang naturang polisiya, lalo na at  nakakaranas sila ngayon ng limitasyon sa waste disposal matapos na ipasara ng DENR-EMB ang dumpsite sa Brgy. Casoocan.###