No segregation-at-source, no collection policy ipatutupad sa lungsod ngayong buwan

                                                                                                                                                                       Nakatakdang ipatupad sa lungsod ng Sorsogon ang No Segregation-At-Source, No Collection Policy ngayong buwan.

Kaugnay ito sa mga nakapaloob sa RA No. 9003 o ang Ecological Solid Waste Management Act of 2000 at ng City Ordinance No. 007, Series of 2005 o ang Solid Waste Management Ordinance of Sorsogon City.

Sisimulan ang mahigpit na pagpapatupad ng mga nasabing batas sa susunod na linggo, June 16, 2023.

Read More:  Two die after minivan crashes into house in Cebu

Ibig sabihin, bago kolektahin ng mga garbage truck ng LGU at mga barangay ang mga basura ay dapat na maayos nang nakahiwalay ang mga nabubulok at hindi nabubulok.

Nagpasa naman ng Resolution si Bacon District City Councilor Reynaldo Taladtad na nag-uutos sa 64 na mga barangay ng lungsod na sundin at suportahan ang nasabing hakbang na pangungunahan ng City Environment and Natural Resources Office o CENRO.

Read More:  How This Family Business in GenSan is Modernizing for a New Era of Doing Business

Ayon sa CENRO sa susunod na linggo ay magkakaroon sila ng mga information dissemination campaign sa lungsod upang mas maipaliwanag nila ang mga alituntuning dapat maintindihan ng mga mamamayan ng lungsod.