Simula sa July 1, ipapatupad na ng Land Transportation Office (LTO) ang ‘No Plate, No Travel policy’ para sa mga tricycle sa Quezon City.
Ito ay matapos matugunan ng LTO ang halos 3,000 backlogs sa plaka para sa mga tricycle.
Ituturing naman na kolorum at illegal ang mga mahuhuling walang plaka.
Ayon sa LTO, ang polisiya ay magsisilbing pilot run ng mas mahigpit na road safety at anti-colorum measures habang pinaplano na palawakin ang pagpapatupad ng patakaran sa buong bansa, partikular sa mga four wheel vehicle.