13 nagpipitagang kalahok ng Ginoong Daet 2024, magpapasiklaban mamayang gabi

DAET, CAMARINES NORTE — Magpapasiklaban ang 13 nagpipitagang mga kalahok ng Ginoong Daet 2024 ngayong gabi, Hunyo 17, 2024 sa Agro Sports Center sa ganap na alas 7 ng gabi bilang parte ng mga kaganapan ng 31st Pinyasan Festival.

Ang mga kalahok ay mga kinatawan mula sa iba’t ibang barangay ng munisipalidad na sina: Mark Renzbalte; Carl Janry Quemada; Patrick Bayona; Eugene Magana; Joshua Ibasco; Gian Belarma; Patrick Alfante; Fran Yllis Paris; Alexander Gerena; Jedric Senson; John Paul Oana; Edison Regalado, at Angelo Quemada.

Bukod sa kanilang pagrampa, magarang kasuotan, at maskuladong katawan, sila rin ay makikipagtalastasan upang maipakita ang kanilang mga adbokasiya na siyang makatutulong sa komunidad at turismo ng bayan ng Daet.

Magiging “Ambassador of Goodwill” ng Daet naman ang makasusungkit ng titulo bilang Ginoong Daet 2024.

Matatandaan ding nagsagawa ang Daet Municipal Tourism Office ng screening para sa mga nagnanais lumahok sa paligsahan noong Mayo 26, 2024 na siya namang nilahukan ng 19 na aplikante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *