Imbis na taas-singil – tapyas sa June billing, asahan ng MERALCO consumers

Mayroong aasahang tapyas sa singil sa kuryente para sa mga konsyumer ng MERALCO.

Sa abiso ng kumpanya, mayroong ibabawas na P1.96/kwh.

Ibig-sabihin, kung ang inyong tahanan ay kumonsumo ng 200kwh, mayroong mababawaas na P392.

Read More:  Marcos urges water conservation, home gardening ahead of Super El Niño

Mayroon namang mababawas na P588 sa mga komunsumo ng 300kwh; P784 sa 400kwh; at P980 naman sa P500kwh na konsumo.

Kung maaalala, dagdag-singil dapat ang magre-reflect ngayong Hunyo.

Read More:  Sara Duterte leads 2028 presidential preference survey with 50%

Ang kaso, inatasan ng Energy Regulatory Commission (ERC) ang MERALCO para sa refund sa singil ng kuryente.

Sa kabila niyan, posible pa rin ang taas-singil sa mga susunod na buwan dahil sa ‘installment’ na increase para sa generation charge.