Gobyerno, target pa rin na mabakunahan ang 54-milyong Pilipino bago matapos ang taon

Hindi babaguhin ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na ma-fully vaccinate ang 54-milyong Pilipino laban sa COVID-19 bago matapos ang taon.

Inihayag ito ni Health Undersecretary Myrna Cabotaje sa kabila ng pagkakaantala ng inokulasyon sa 639 na local government units dahil sa pananalasa ng Bagyong Odette.

Read More:  Padilla pushes Juvenile Justice amendments after school shooting

Sinabi ni Cabotaje na magpapatuloy ang COVID-19 vaccination sa buong bansa hanggang December 23.

Magre-resume naman ito sa December 27 hanggang 30 upang maabot ng bansa ang target na 54-milyong fully vaccinated na Pilipino.

Read More:  House prosecutors seek clarity on impeachment vote threshold

Ipinunto naman ni Cabotaje na mayroon 21-milyong katao ang nakatakdang tumanggap ng kanilang second dose.