No. 1 at No. 4 most wanted person ng Sorsogon City Police, arestado

SORSOGON CITY – Hawak na ng Sorsogon City PNP ang dalawa sa kanilang most wanted persons makaraang mahuli ang mga ito sa magkahiwalay na lugar sa labas ng lalawigan.

Unang naaresto, hapon noong Lunes sa Infanta, Quezon ang rank No. 4 most wanted person na si Andres Domo Domdom Jr. alias Lolo Jun, 43-anyos, may asawa, mangingisda at residente ng Sitio Cabangan, Brgy Osiao, Bacon District, Sorsogon City.

Ang warrant of arrest ay isinilbi sa akusado sa pinagtataguan nito sa Purok Maligaya, Brgy Dinahican, Infanta, Quezon.

Read More:  HBONI, DOST push science-based development in Himamaylan IP community

Ang akusado ay may kinakaharap na kasong 2 counts of rape na ibinaba ng RTC Br 53 na walang itinakdang piyansa.

Ang pag-aresto ay sa pamamagitan ng Oplan Pagtugis ng Provincial Field Unit ng CIDG-Sorsogon katuwang ang Sorsogon City Police at Infanta PNP.

Read More:  Canlaon artisans adapt to calamities with limited materials, volcanic ash crafts

Kahapon, Setyembre 1 ay inaresto naman si Rodolfo Conde Docot, 73-anyos, may asawa, walang trabaho at tubong Sorsogon City. Itinuturing itong No. 1 most wanted person ng Sorsogon City PNP.

Isinilbi ang warrant of arrest sa Brgy Sta Lucia, Novaliches, Quezon City na naging tirahan nito nang halos 14 na taon na pagtatago sa batas matapos ang krimeng nagawa.

Ang warrant of arrest ay ipinalabas ng RTC Br 51 sa kasong 2 counts of rape na walang inirekomendang piyansa.