Jojo Nones, humingi ng patawad sa kanyang naging asal sa naging pagdinig sa kaso ni Sandro Muhlach

Nagpadala ng isang liham si Jojo Nones sa mga senador upang humingi ng tawad sa kanyang naging asal sa nakaraang pagdinig.

Ito ay kasunod ng kanyang di umano’y pagiging bastos sa pagsagot kina Senador Jinggoy Estrada at Senador Robin Padilla na humahawak sa pagdinig sa kaso ni Sandro Muhlach.

Read More:  Napolcom to probe possible liability of police linked to Tacloban school shooting

Pagpapaliwanag niya, dala lang ito ng kanyang anxiety at stress pero sa susunod na pagkakataon ay susubukan niya ang kanyang makakaya upang maging mas magalang sa pagsasalita.

Read More:  7 fishermen reported missing after fishing vessel sinks off Palawan

Maalala, matapos ang paulit-ulit na pagtanggi ni Nones na sumagot ay nagdesisyon si Estrada na panatilihin ito sa detention facility ng Senado.