NLE 2022 sa Puerto Princesa at Palawan, naging payapa- PNP

Ipinagmalaki ng Puerto Princesa City Police Office at Palawan Provincial Police Office na payapa sa kabuuan ang nakalipas na National and Local Election 2022 sa lungsod at lalawigan.

Ayon sa City Police Office, walang anumang kagulohan na naitala sa nagdaang eleksyon simula nang election period, pag-deploy ng mga tauhan hanggang sa paghatid ng election materials sa araw mismo  ng halalan.

Read More:  Doctor robbed by riding-in-tandem suspects in Bacolod

Dahil dito, nagpaabot ng pasasalamat sa magigiting na tauhan at kooperasyon ng mamamayan ng Puerto Princesa si PPCPO Acting City Director PCOL. ROBERTO M. BUCAD kaya naging ligtas, makabulohan, tapat at malaya ang NLE 2022.

Read More:  How This Family Business in GenSan is Modernizing for a New Era of Doing Business

Samantala, wala rin anumang insidente na may kinalaman sa nakalipas na eleksyon ang naitala sa 23 munisipyo ng Palawan.