Ninakaw na Cellphone, narekober sa 18 anyos na dalaga

Nahaharap na sa kaso ang isang 18 anyos na dalaga matapos na marekober sa kanya ang isang nakaw na Cellphone (Samsung galaxy A20) nitong Linggo, August 6.

Ayon sa Roxas PNP, July 19 nang pasukin ang pagnakawan ng hindi nakikilalang salarin ang isang bahay sa Barangay 1 Roxas Palawan kung saan ang nakuha ang (1) unit na cellphone) at P10,000 cash.

Read More:  Farmers’ daughter from Bukidnon tribe tops CPSU Batch 2026 graduates with 1.17 GWA

Makalipas ang ilang linggo, nitong Linggo, August 6, na-track ng may-ari ang lokasyon ng unit kaya agad na nagsagawa ng operasyon ang pulisya.

Read More:  2 boys found dead inside abandoned vehicle in Cebu

Nakuha ito sa alyas Roveia ng Barangay 4 pero nag-alibi ito sa pulisya.

Depensa niya, nabili nya lamang umano ang cellphone ngunit wala itong naituro kung sino ang nagbenta sa kanya.