NGCP, pinaghahandaan ang worst case scenario sa halalan

Tiniyak ng Natonal Grid Corporation of the Philippines na magiging sapat ang suplay ng kuryente sa bansa para sa halalan sa Lunes.

Sa isang panayam, sinabi ni NGCP Spokesperson Atty. Cynthia Mutya Ablanza na sa araw ng eleksyon sa Mayo a-Nueve at sa mga bilangan, wala umano sila naka-schedule na mga maintenance shutdown sa mga power grids at sa mga planta nito.

Read More:  Gatchalian elected Senate President Pro Tempore

Pagtitiyak ni Ablanza, bente-kuwatro oras na magiging bukas at aktibo ang kanilang command center mula May 8 hanggang 10.

Maliban pa rito, pinaghahandaan umano nila ang ‘worst case scenario’ sa electricity supply kabilang na ang iba’t ibang mga aberya.

Read More:  Tulfo says leadership change needed to restore Senate dignity

Wika nito, handang rumesponde ang kanilang mga line personnels para sa mga mararanasang aberya sa mga transmission system.

Sa ganitong paraan aniya ay madaling makapupunto sa site ng problema ang kanilang mga linemen sakali mang mayroong mga kinakailangang kumpunihin sa mga transmission lines nito.
#