De Lima, tinawag na ‘sinungaling’ si ex-SoJ Aguirre

Nanindigan si Senadora Leila de Lima na nagsisinungaling si dating justice secretary Vitaliano Aguirre matapos ang pag-deny nito sa mga bagong pahayag ni ex-BuCor OIC Rafael Ragos.

Mababatid na pinabulaanan ni Aguirre ang bagong testinonya ni Ragos na nagsasabing pinilit at tinakot lamang umano ito para tumestigo at idiin si de Lima sa kalakaran ng iligal na droga sa New Bilibid Prison.

Read More:  DSWD extends aid to family of slain motorcycle taxi rider in Caloocan

Ayon kay de Lima, wala umanong expiration ang katotohanan.

Samantala, sa hiwalay naman na panayam, muling nanindigan si Aguirre na mayroong propaganda sa likod ng mga ginawang pagbawi ni Ragos ng kanyang pahayag.

Read More:  TDC highlights education system issues following death of grade 4 student in Cavite

Giit ng dating kalihim, mayroon itong nakikitang malakig conspiracy lalo na’t magkasunod na nag-recant ng mga testimonya sina self-confessed drug lord Kerwin Espinosa at Ragos.

Sa tagal niya raw kasing abugado, iisa lamang ang madalas na dahilan ng pag-kambyo ng mga testigo – at ito ay pera.
#