NFT ng arrest warrant ni Mandela, naisubasta ng $130,000

Naisubasta sa halagang $130,550 ang NFT version ng arrest warrant kay anti-apartheid icon Nelson Mandela, kung saan ang proceeds nito ay mapupunta sa museum na nagpi-preserba sa kasaysayan ng anti-apartheid struggle ng South Africa.

Ayon kay Ahren Posthumus, CEO ng digital auctioneer Momint na ang reserve price sa auction noong Sabado ng gabi sa Cape Town ay nasa 900,000 rand ($61,800), pero ang non-fungible tokens o NFT, ay naibenta sa halagang 1.9 million ($130,550) sa pamamagitan ng isang buyer sa online.

Read More:  Alex Gonzaga, Mikee Morada announce pregnancy

Ang buyer ay isang dayuhan na nakabase sa United Arab Emirates.

Matatandaan na ang kauna-unahang democratic at black president ng South Africa ay naaresto noong August 5, 1962, at nakulong sa loob ng 27 taon.

Read More:  Cristine Reyes, Gio Tingson are Engaged

Ang selling art bilang non-fungible tokens, o NFTs ay gumagamit ng kaparehong teknolohiya gaya ng cryto-currencies na Bitcoin, kung saan ang buyer ay makakatanggap ng verified digital token, na nagpapatunay na ang artwork ay original.

Giit ni Liliesleaf Farm museum founder, Nicholas Wolpe, ito ay talagang unique at novel na paraan ng pagliko ng kita.