Nakagawa ng decisive 2-1 lead ang Meralco Bolts sa kanilang PBA Governors’ Cup semifinals series laban sa Magnolia Pambansang Manok Hotshots, sa 101-95, kahapon sa Mall of Asia Arena.
Kaugnay nito, nanguna sina Tony Bishop at Chris Banchero sa second half offensive charge ng Bolts, kung saan nagbigay ang import ng 27 points at 10 rebounds, habang ang Filipino Italian guard ay nakakuha ng 23 points, para tulungan ang kanilang team na mapalapit sa back-to-back Governors’ Cup finals appearance.
Matapos mahabol papalapit sa halftime, nagtuloy-tuloy na ang pag-abanse ng Meralco hanggang sa third quarter para muling makuha ang lead.
Kaugnay nito, napanatili ng Bolts ang kanilang advantage sa fourth quarter, pero tinangka ng Hotshots na mabaliktad ang resulta sa tulong ni Mike Harris na komompleto sa three-point play sa pitong segundong natitira para sa 95-99 deficit.

Pero dahil sa foul ng Magnolia, agad na bumawi si Meralco guard Bong Quinto sa kanyang dalawang free-throws para ma-formalize ang triumphant finish ng Bolts sa Game 3 ng semifinals.