NFA exempted sa real property tax – ayon sa Supreme Court

Nagdesisyon ang Supreme Court (SC) na exempt sa real property tax ang mga ari-arian ng National Food Authority (NFA).

Ang SC En Banc ay nagbigay ng petisyon at idineklara na walang bisa ang mga notice of delinquency na inisyu ng Tagum City Treasurer laban sa NFA na nagkakahalaga ng P2.6 milyon sa real property taxes.

Anila, ang NFA ay instrumentality ng gobyerno na exempt sa real property taxes na alinsunod sa Section 133(o) at 234(a) ng Local Government Code of 1991.

Read More:  Ombudsman denies political motive behind cases vs Sen. Jinggoy

Noong 2016, nakatanggap ng pitong notice of deliquency mula sa Tagum City Treasurer ang NFA, pagkatapos nito ay hinamon naman ng NFA ang mga notice sa harap ng isang Regional Trial Court upang mangatwiran na ang NFA ay exempt sa pagbabayad sa real property tax.

Pabor naman ang RTC sa lokal ng pamahalaan at nanindigan ang NFA na ito ay pag-aari at isang kontroladong korporasyon ng gobyerno at nagpapailalim sa buwis sa real property.

Read More:  Zubiri opposes online attendance in Senate sessions

Paliwanag ng SC, alinsunod sa Sekyon 234(a), ang mga ari-arian raw na pag-aari ng gobyerno o alinman sa mga political subdivision nito ay hindi kasama sa buwis sa real property, maliban kung ang kapaki-pakinabang na paggamit ay ipinagkaloob sa mga nabubuwisang pribadong entity. (BRIGADA NEWS INTERN-JUSTINE JUMARANG)