Keir Starmer, opisyal ng umupo bilang bagong Prime Minister ng UK

Opisyal ng umupo bilang bagong Prime Minister ng United Kingdom si Labour leader Keir Starmer.

Ayon kay Starmer malinaw na kailangan ng kanilang bansa ng bigger reset at ngako ng national renewal.

Bukod dito, nangako din ang Prime Minister na ibabalik niya ang tiwala ng mamayan sa gobyerno sa ilalim ng kaniyang liderato.

Pinuri at pinasalamatan naman ni Starmer si outgoiung PM Rishi Sunak.

Matatandaan na una ng tinanggap ni Sunak ang kaniyang pagkatalo nitong umaga ng Biyernes sa katatapos na general election.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *