DOTR, ipinasilip ang 6 na tunnel operating machine para sa underground railway sa Metro Manila

Asahan na magsisimula na mag-operate ang 6 na tunnel boring machine sa katapusan ng taon.

Sinabi ni Transportation Sec. Jaime Bautista ang naturang proyekto ang pinaka unang underground railway system sa bansa.

Ayon pa kay Bautista na patuloy ang pakikipag ugnayan niya sa Japanese government para sa karagdagang tunnel operating machines para mas mapabilis ang konstruksyon nito.

Inaasahan naman na may dagdag pang 19 na tunnel operating machines sa mga darating pang taon.

Read More:  Marcos rejects claim flood control cases target Senate majority

Ang underground railway system ay may 33-kilometro at 17 na station sa pagitan ng Quezon City hanngang Ninoy Aquino International Airport (NAIA)sa Pasay City. (BRIGADA NEWS INTERN-RAUVIC CIFRA)

===========================================================