NFA, dapat nang pamunuan ni PBBM – mambabatas

Hinimok ng isang mambabatas si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na pamunuan na ang National Food Authority (NFA) habang iniimbestigahan ng gobyerno ang kontrobersyal na pagbebenta ng rice buffer stocks.

Ayon kay Agri party-list Representative Wilbert Lee, kung si Pangulong Marcos ang mamamahala sa NFA ay tiyak na mapapabilis ang paglilinis sa ahensya.

Read More:  Ombudsman denies political motive behind cases vs Sen. Jinggoy

Dagdag pa ni Lee, sa ganitong paraan ay maipapatupad din ang whole-of-government approach kung saan direkta ang Pangulo na magmamando sa mga dapat gawin ng ahensya para tulungan ang mga lokal na magsasaka.

Read More:  Acidre brands Imee Marcos video ‘political vandalism’

Matatandang, pinatawan ng preventive suspensyon ng Office of the Ombudsman si NFA Administration Roderico Bioco at mahigit isandaan pang opsiyal at empleyado ng ahensya dahil sa isyu ng maanomalyang bentahan ng bigas.