New teacher items sa DepEd Bicol, bumaba dahil sa pandemya

NAGA CITY – Nilinaw ni Department of Education Regional Director Gilbert Sadsad na hindi naman apektado ang hiring ng mga guro sa Bicol ngayong taon subalit bumaba ang bilang ng items nito na umabot na lamang sa 500 slots.

Sa panayam ng Brigada News FM Naga , sinabi ni RD Sadsad na isa ito sa epekto ng pandemya sa bansa sa kanilang ahensiya.

Read More:  8 goats found dead with bite marks in Antique

Dagdag pa ng opisyal bagamat ganito na muna ang slots na ibinigay sa DepEd Bicol, tuloy pa rin ang paghire nila ng mga bagong teachers sa elementarya at sa sekundarya.

Tulad ng dati, nasusunod pa rin ang hiring process, pagtiyak ng opisyal.

Read More:  DOH-XII records 277 new HIV cases in first quarter of 2026

Umaasa ang ahensiya na sana kung tuluyan nang mawala ang pandemya bumalik na sa dating 1,000 new teacher items ang mailaan sa rehiyon, dahil sa ngayon ay maraming mga aplikante para maging regular teachers.

Samantala,nagpaalala si Director Sadsad sa mga guro at sa iba pang mga personahe ng Department of Education Bicol na maging neutral ngayong panahon ng election.