Netizens, nanawagan sa mga fan ni Rico Yan na huwag gawing tourist destination ang puntod ng aktor

Trending ngayon sa social media ang mga clip video ng 90’s actor na si Rico Yan, madaming mga social media users ang nagbabahagi na kung saan sila ay bumibisita sa puntod ng aktor na para bang ito ay isang tourist destination. 

Isang video din ang nag-viral na nakakuha ng atensyon ng marami, dahil ipinapakita nito na naglalakad siya sa libingan ng aktor at inilagay ang kanyang kamay sa name plate.

Karamihan sa mga bumibisita sa libingan ni Yan ay nagvi-video para mai-upload sa social media at pag-usapan ng marami at maging agaw pansin.

Ayon naman sa post ng isang social media users, madami talagang humahanga kay Yan dahil sa mga pelikula niya at sumisikat na video clips sa social media, pero hindi na tamang dinudumog ang puntod ng Actor, at magkaroon ng konting paggalang.

Maraming tao ang nakapansin sa mga pakikipag-ugnayan sa mga post tungkol kay Rico Yan, at ang ilan ay nagpo-post pa ng mga larawan niya na binuo ng AI at nagpi-print ng mga photocard.

Sumikat si Rico Yan noong huling bahagi ng dekada 90, na kilala sa kanyang mga papel sa “Mula sa Puso,” “Got 2 Believe,” at “Dahil Mahal na Mahal Kita.”

Namatay ang aktor noong Marso 29, 2002. (BRIGADA NEWS INTERN-HANNAH MAGNAYE)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *