Nesthy Petecio, nasungkit ang 4 gold medals sa Spain Tournament

Nagningning ang Filipina Olympian na si Nesthy Petecio sa Spain matapos niyang makakuha ng apat na gold medal sa 2024 Boxam Elite International Tournament kasama ang mga kapwa boksingero na sina Rogen Ladon, Aira Villegas, at Hergie Bacyadan.

Nanguna si Petecio sa women’s 57kg division matapos ang split decision na tagumpay laban kay Hsiao-Wen Huang

Hindi man qualifier ang torneo para sa 2024 Paris Olympics, ngunit mas pinalakas nito ang tyansa ng Team Philippines para sa Summer Games matapos makamit ang tagumpay.

Nakatakda naman silang lumaban sa World Olympics Boxing Qualifying events sa Pebrero 29 hanggang Marso 12 sa Italy at sa Mayo 23 hanggang Hunyo 3 sa Thailand.