Bea Alonzo at Dominic Roque, kumpirmadong hiwalay na

It’s official! Hiwalay na ang celebrity couple na sina Bea Alonzo at Dominic Roque.

Ito’y matapos kumpirmahin ng kilala at reliable host na si Boy Abunda.

Ngunit sa gitna nito, sinabi niyang nasa proseso pa rin sina Roque at Alonzo sa pag-aayos ng kanilang relasyon.

Isinauli rin daw ni Bea ang engagement ring na binigay ni Dominic.

Nilinaw naman ni Tito Boy ang mga alegasyong naghiwalay ang dalawa dahil sa prenuptial agreement.