Starvation cult leader, kinasuhan sa Kenya dahil sa pagkamatay ng halos 200 tao

Kinasuhan ng korte ng Kenya ang pinuno ng isang starvation cult at dose-dosenang mga pinaghihinalaang kasabwat nito dahil sa pagkamatay ng halos 200 katao sa isang kagubatan malapit sa Indian Ocean.

Ang self-proclaimed pastor na si Paul Nthenge Mackenzie ay kinasuihan ng terrorism, manslaughter, pati na rin ang child torture at cruelty.

Inudyok umano nito ang kanyang mga kasamahan na magpakamatay sa gutom upang makilala si Hesus.

Ang kaso, na tinawag na “Shakahola forest massacre”, ay humantong sa gobyerno na i-flag ang pangangailangan para sa mas mahigpit na kontrol sa mga fringe denominations.